Bat ba kasi ang hirap mag let go?

7:46 AM

Ganito kase yon. Ang buhay natin ay puno ng mga pangyayari, mga pangyayaring hindi natin alam kung saan at papano'y mararanasan pala habang tayo'y lumalaki at hinahanap ang ating mga sarili. At sa mga pangyayaring iyon, syempre may mga tao ring darating.

Ang mga taong ito ay magsisilbing taga-turo. They teach us the lesson that we need. Yung tipong tuturuan ka niyang magpatawad kasi may mga papatawarin ka pa sa hinaharap. Yung tuturuan ka niyang mahalin ang mga simpleng bagay. Yung tuturuan ka niyang mag-isip ng positibo sa lahat ng oras, na kahit na sa oras ng kagipitan eh hindi ka pa rin susuko.

Balik tayo sa title ng artikulo. Bat nga ba ang hirap mag let go? Ganito kasi yun... Sa pang araw araw na may gagawin tayo, makakasalamuha natin ang mga taong gagabay ang tutulong sa atin. Naibahagi kona kanina na ang mga taong ito'y magsisilbing taga turo sa atin para maka ahon. Makaahon sa pang-araw araw na hampas alon sa ating buhay.Sa ganitong paraan, makakabuo tayo ng koneksyon sa mga taong ito na magsisilbing parang isang tali na humihigpit kapag nadadagdagan ng isa pang tali, kapag nadaragdagan ang moments together.

Habang palalim ng palalim ang pakikitungo natin sa isat isa, ang tali ay nadadagdagan ng nadadagdagan hangang sa pahigpit na ito ng pahigpit. O diba? Sa ganitong senario, we get used to being so attached with each other that letting go becomes really hard.

Isang halimbawa: kapag ikaw ay nasanay na magsuot ng relos kada punta sa eskwela, you feel uneasy kapag naiiwan mo ito. May mga tendency na babalik ka pa sa inyo just to get your watch.

Kapag nasanay kana sa presensya ng isang tao, hahanap hanapin mo ito. Kapag nasanay ka na may naghahatid sayo ng pagkain kada tanghali, hahanap hanapin mo ito. Kapag nasanay ka nang may nag tetex sayo kada minuto at naputol ang komunikasyon ninyo, magtatanong ka kung anong nangyari at hahanap hanapin mo ito. Hindi ka makausad kapag sa tingin mo'y may kulang sa iyo.

Ganun lang kasimple yon. Ang hirap mag let go pag andami nyo nang naging memories. Kung ihahalintulad man ito sa isang aklat eh ang hirap kalimutan ng isang tao kung nakaipon kana ng parang isang maliit na library ng mga good and bad memories.

Kaya huwag humusga sa mga taong hindi pa nakakausad. Huwag humusga sa mga taong hindi pa pinapatuloy ang kanilang buhay ng dahil nanggaling siya sa isang break up. Hindi madali ang pinag-daraanan nila kaya umintindi at makibaka.

You Might Also Like

0 comments