Kilig lang, walang attachments.
6:54 AMDiba eto na uso ngayon. Yung tipong M.U. lang daw kayo. Na kapag nag-away eh kaibagan lang yung mawawala eh kasi daw pag nagjowa na, dalawa na daw mawawala, yung kaibigan tsaka yung jowa. Diba eto yung hanggang friends lang muna tayo kasi dito tayo sasaya. Yung kilig2 lang muna tayo tapos walang commitment. What now?
Eto na uso ngayon mga bes. Na kilig kilig lang daw tapos walang commitment. Yung iba nga raw mas pabor dito dahil sa marami daw itong positive sides
1. Di boring lovelife
Kasi sa iba yung M.U eh lovelife na. Dahil sa may katex ka at katawag sa gabi, di na daw boring yung mga lovelife nila.
2. We can flirt with others
Eto yun. Yung pinakapoint bakit hanggang M.U lang. Eto yung may babe1, babe2, babe3 hangang 100 yung ka M.U. mo
3. Maraming freedom
Kasi nga daw hindi mo siya jowa, wala na siyang karapatan na magtanong kung nasan ka o kung sino ang kasama mo. Depende sayo kung sasabihin mo ito sa kaniya o hindi.
4. Walang gastos
Eto yung wala kayong monthsary kasi hindi kayo mag-on. Edi walang gastos mga beh.
Marami pa po yan, pero konti lang ang nailista ko. Dahil sa mga naitalang rason eh marami na ang sumusubok sa M.U.2x na yan. Eh di nyo rin ba alam ang pinaka negative sa ganyang relasyon?
Eto yun:
1. Nasan assurance mo?
Wala ka pong assurance kung sayo ba siya. Iiyak at iiyak ka lang pag nalaman mong may iba din pala siya. Yung wala ka pong karapatan sa kanya dahil hindi kayo, yung di mo kayang magalit kasi wala kang pinaghahawakan. Mahal ka ba niya? O pinaglalaruan lang? Pumili ka.
Isa lang nailista ko kasi summary na eh. Kahit 4 vs 1, mananalo parin ang 1 para sa mga taong umiibig ng totoo. Pwera nalang kung naglalaro ka lang at hindi mo talaga siya gusto?
Para sa mga taong mapagmahal at sa mga taong hindi kaya ang may pinaglalaruan HUWAG KAYONG MAGSETTLE SA MU MU LANG. Ang kailangan sa isang mtibay na relasyon ay TRUST. Kaya mo bang ibigay ang trust mo kung maski pormal na relasyon ay di niya kayang ibigay sa yo?
Please wag bobo.
0 comments